Saturday, February 2, 2013

PANGHIHINAYANG

















Nagpupuyos ang aking damdamin
Sa mukha ko'y iyong masasalamin
Mga luhang tangan ay poot
Mula sa mga matang malungkot

Paulit-ulit nagtatanong sa sarili
Mga katanungang hindi maikubli
Kasagutang hindi matagpuan
Ilang magdamag na ang dumaan


Nanghihinayang na binabalikan
Pagmamahalang ating pinagsaluhan
Mga pangako mula sa puso
Punong puno ng pagsuyo

Mga kuwentuhang walang katapusan
Tawanang laging inaasam
Mga paalala mo sa akin
Bawat minuto ay kinasabikan

Pilit kong sinasariwa
Masayang alala mula sa iyong mukha
Pag-ibig na ating hinahawakan
Animo'y walang katapusan

Ngunit sa mundo ng mapag-imbot
Sa atin ay luha ang bumalot
Bituin ay saksi sa aking kalungkutan
Umiyak kasi ako sa kanilang harapan


Bakit bigla mo akong iniwan
Hindi ka man lang nag paalam
Ang bilis mo akong binitawan
Ganito ba ang kaparusahan?

Kung may pagkakamaling nakalimutan
Ako ay humihingi ng kapatawaran
Pagibig ko sayo ay hindi ko bibitawan
Babaunin ko na hanggang kamatayan.

by: Mapaglarong Puso

No comments:

Post a Comment